Thursday, April 14, 2011

Labor Hospital

kaninang umaga mga quarter to 11 ng ako ai umalis dito sa bahay para bumisita sa isang kaibigan, kabatch at dating kasintahan.....
kinakabahan ako na makita sya sa ganon kalagayan.... parang ang hirap kasi ang balitang dumatin sa akin ai grabe... pero may mga nakausap naman ako nasabi ai ok naman na kailangan na lang ng operasyon...
kahapon nga ai naoperahan sya para lagyan bakal sa baba ng kanyang mata...
mga 12pm na yata ng dumating ako sa cubao at hanapin ang hospital na pinagdalahan sa kanya... ai may binigay naman address sa akin at direksyon kung paano pumunta, ang kabatch din namin...
nakarating nga ako sa hospital at nagtanong sa guard ai tinuru naman ako sa surgical ward.... ai ang hirap pala maghanap at dami palang division dun....
dalawang beses ko tinawagan ang kabatch namin at hinde ko nga makita... at tinanong ko pa kung ano ginamit na apelido... :) sabi lang nya sa akin ai belen...
halos kalahating oras din akong nag hahanap hangan mapansin ako ng isang doctor at tinanung ako kung saan ako punta.... ang sabi ko lang ai "sa inoperahan po kahapon... si cleo dorothy belen...."
ang sabi lang sa akin ng doctor ai tanungin ko sa mga nurse sa surgical ward... sabi ko naman ai hinde nga po nila kilala ung name.... kaya tinuro niya ako sa admiting...
dali dali naman ako pumunta dun at gusto ko rin sya makita ai..... nag hintay pa ako dun ng mga 15-20mins kasi kagagaling lang sa break.....
nang makausap ko na ung nagbabantay sa admiting... dali ko tinanong ang pangalan nya.... at saka palang ako naituro kung saan area sya....
pag punta ko nga sa area ai nagtanong ako sa nurse station at naituro naman ako sa tamang kwarto....
pag pasok ko ng kwarto... natahimik lang ako.... pinagmasdan ko kung anong nangyari sa kanya.. kasalukuyan binibihisan sya... at hinde pa nga tapos at ayaw naman nya mag palagay ng damit....
hinde ako makapaniwal kasi kala ko hinde ko na sya makikita... at masaya naman ako na makita sya at malaman na ok na syan kailangan na lang nya mag pahinga...
tumabay lang ako at nakipag kwentohan sa kanyang nanay at pagminsan sa kanya at nagigising naman sya tapos tutulog... at antukin nga sya...
habang nakikipag kwentohan ako sa kanyang nanay... pinagmamasdan ko lang ang kanyang mukha... matagal na rin kami hinde nagkita ai... taon na yata...
nakakatuwang isipin at nun ko lang nakakwentuhan ang kanyang nanay.... nalulungkot lang ako at wala man lang ako maitulong....
bago ako umalis hinawakan ko kamay nya at sabi ko lang pagaling sya... hinde na nya ako maangkas sa motor nya pag nalasing ako.... pabirong sabi ko sa kanya...
saka sabi ko wag syang masungit.... tinawanan lang ako at sabi nya "hinde naman saka salamat sa pagbisita"

salamat kay red sa address na binigay nya at direction
salamat din kay ateth na nag bigay update sa akin

-neina-

1 comment:

paco said...

dalawang beses ako pumunta ng hospital.... mas ok naman na sya nung balik ko dun.... last april 16, 2011... late na rin ako nakaalis dun... mga 7pm or 8pm yata yun.... :D